


Ang Board of Directors at ang Pamunuan ng Pandi Water District (PanWaDis) ay dumalo sa kauna-unahang Bulacan Association of Water Districts (BAWD) Forum 2026 noong Abril 23, 2026 na ginanap sa Convention Center, City of San Jose Del Monte, Bulacan.
Ang BAWD Forum na ito ay isang buong araw na pag-aaral, pakikipagtulungan, at propesyonal na pag-unlad ng bawat patubigan. Nilahukan ito ng halos dalawang daan (200) BODs members, General Managers at mga empleyado ng BAWD.
Nagkaroon ng panayam ang mga pangunahing ahensya ng gobyerno katulad ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Budget and Management (DBM), Public-Private Partnership (PPP) Center, Office of the Government Corporate Counsel (OGCC), Commission on Audit (COA) at ang Local Water Utilities Administration (LWUA). Matapos ang pagbabahagi ng mga resource speakers, nagsagawa ng Open Forum o malayang pagtatanong sa mga representative ng nasabing sangay ng gobyerno, upang magbigay linaw sa mga concerns.
Tunay ngang naging makabuluhan at matagumpay ang 1st BAWD Forum na ito na magbubunga ng isang transparent, de-kalidad at ma-prinsipyong paglilingkod sa ating komunidad.

