🚨PABATID🚨

EMERGENCY : Pagkukumpuni ng mainline leak sa Pandi Residences Home II, Bagong Barrio, Phase 2.

Ang Pandi Water District ay kasalukuyang nagkukumpuni ng mainline leak sa Pandi Residences Home II, Barangay Bagong Barrio na tinatayang magtatagal hanggang mamayang ika-5:00 ng hapon o higit pa. Habang isinasagawa ang pagkukumpuni ay posibleng mawalan ng suplay at magkaroon ng maruming tubig ang sumusunod na lugar.

📌PHASE 2

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.

Maraming salamat po.

Mula sa pamunuan ng Pandi Water District